ACTIVITIES, ACITIVITIES, ACTIVITIES! ANO MAY DADAGDAG PA?!
2 AM Nightmare
Sobrang random, nagising na lang ako ng alas dos ng madaling araw. I decided to check my phone and saw messages sa IG and messenger. I replied to CJ and wow gising pa siya. Then I told him, gagawin ko muna activities since gising na rin naman na ako and he's doing the same din.
Inabot ako up until 6 AM ng umaga sa paggawa ng activities. Naka-tapos ako ng isang activity and tried to do one more pero inaantok na talaga ako. Sobrang daming kailangan i-comply at gawin. Hays, sana matapos ko na lahat
GRWM ng aking sisteret
May graduation pictorial sila ng 2 PM and asked for my help. Simpleng hair and makeup lang naman alam ko pero grabe tiwala niya sa skills ko. Hays I love my sister(s) talaga. I'm glad na sa akin siya nagpa-paayos. Just means that she trusts me and that I can do it. Sobrang saya ko na nakatulong ako sa kanya at nakapag-bonding kami habang inaayusan siya. Sobrang thankful ako na nakasama ko siya sa araw na 'to.
Never Ending Activities
Dahil malapit na ang midterms=workload, sobrang dami na naman ng activities na kailangang gawin. Wala na ata akong ibang ginawa ngayong araw kundi gumawa ng mga activities. Kailangan ko rin mag-review dahil nakalimutan ko na mga binasa ko nung nakaraang mga araw. Sobrang dami ng kailangang gawin, sana matapos ko na lahat at makapag-review pa ako ng maayos.
"The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams." - Eleanor Roosevelt
Himlay na lang talaga. 'Pag ako bumulagta dito ha.
— Elaine