First of all, happy birthday sa aming forever baby na si Minmin. Time flies so fast, parang kailan lang kinakarga ko pa siya tapos ngayon malapit na siya mag-high school huhu.
Do or Die
Maaga akong nagising kanina, around 6:30 AM. Need daw i-present yung lab act sa Networking kaya inaral ko ulit. I also had a quiz scheduled for 1 PM. Soaper stressed ang vavae.
Dumating si Anxiety sa BU
Pumasok ako sa B4 para buksan ang laptop at aralin ulit ang configurations na ginamit sa lab act. Dumating ang mga kaibigan ko and told me na pumili muna ng topic for ERD activity ni Sir RR sa IM 1. Edi gumora naman ako kasi kailangan eh. Tapos saktong pag-labas namin sa B4, kakarating lang rin ni CJ at sumabay na sa amin papunta sa faculty room.
Sobrang late na kaming dumating sa Networking class, isang oras ba naman. Ang hirap din kasi pumili ng capstone topic na gagawan ng ERD.
Networking Dilemma
Pagkarating sa room, sinabihan agad ako ni Reazelle na may recitation daw. OMG talaga! Edi inaral ko rin agad yung ipapa-recite daw. And guess what?! Akala ko magta-tawag si Ma'am ng pangalan para mag-recite tapos need lang pala mag-raise ng hand tapos sasabihin yung sagot. All the nerves for nothing huhu.
All the nerves for nothing huhu. Nag-raise din naman ako kaso, sobrang doubtful ako sa sagot ko kaya nahuhuli ako tumaas ng kamay. Kainis talaguh. 'Pag alam ko sagot 'di ako natatawag hays. Maybe next time. Also, sabi ni Ma'am ay iche-check niya raw sa faculty room in face-to-face yung lab act. Kaya 'di na ako umuwi sa amin para mag-lunch.
After ng Networking class, nag-lunch muna kami sa CS Canteen. Tapos, we decided na sa library na mag-aral for the quiz and dun na rin mag-take. Mahina pala wifi sa library kaya si CJ na yamot na yamot na ay pinapunta ko na lang sa faculty para doon na lang mag-take ng quiz.
Nag-message si Ma'am na hindi niya kami mame-meet sa faculty kasi masakit daw ngipin niya. Kaya, nabawasan ang stress pero at the same time iniisip ko na mai-ipon ang mga need i-comply next week. Parang gusto ko nang humimlay.
All the stress for terminologies and concepts for NOTHING. This is the 2nd time na may mare-resched na quiz huhu. Sayang yung oras sa library hays could've used it for other activities na need i-comply. Another stressful week na naman next week. JUSKO PO.
Stress is not what happens to us. It's our response to what happens. And response is something we can choose.
Wala dapat motivational qoutes for today pero ayan pwede na yan. Stressed ang jusa eh.
— Elaine